SP-9399 S-2023
SP 9399 s. 2023, naisakatuparan na!
Isa nanaman pong resolusyon na ating ini-akda ang nagbigay daan upang gawing opisyal ang Hyundai Accelerate Program na naglalayong magbigay ng scholarship sa mga senior high school students mula Commonwealth High School at Justice Cecilia Muñoz Palma Senior High School. Ang mga estudyante ay mabibigyan ng pagkakataon na makapag-aral ng kursong automotive mechanic sa Don Bosco Technical Institute.
Kabilang po tayo sa MOA signing na pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte at Hyundai Motor Philippines, Inc. President Dong Wook Lee at Hyundai Motor Philippines, Inc. General Manager Paulino Herrera.
Patuloy po kayong makakaasa sa ating pagsisikap na magsulong ng oportunidad para sa ating mga kabataan!
Councilor Aly Medalla
|